UNANG HAKBANG NA MAI-DOKUMENTO ANG KASAYSAYAN NG TAGKAWAYAN

Tagkawayan, Quezon— Matagumpay ang pagsisimula ng ika-limang bahagi ng Cultural Mapping Project ng Bayan ng Tagkawayan, Quezon—ang Community Validation.

Sinimulan ngayong umaga ang nasabing aktibidad kasama ang Cultural Mapping Team, mga Facilitators ng National Commission for Culture and the Arts, Internal Validators at External Validators na mula sa iba’t-ibang field of expertise.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Mayor Carlo Eleazar na ang Cultural Mapping Project na isinasakatuparan ng kaniyang liderato sa ilalim ng Tourism Section at Cultural Mapping Committee ay masasabing siyang unang hakbanh upang maidokumento ang Komprehensibong Kasaysayan ng Bayan ng Tagkawayan.

“Ito po ang unang seryosong attempt na maidokumento ang ating kasaysayan. Kapag ito ay ating naidokumento ang ating kasaysayan, kultura at maging ang ating sining, una matutukoy natin ito, mapapangalagaan at mapapalawak natin.

Maibabahagi natin ito sa ating mga kababayan hindi lamang sa ating henerasyon at mga kabataan ngayon kundi maging sa mga susunod na salinlahi”.—Mayor Eleazar.

Ilan lamang sa mga Internal Validators sina dating Punong Bayan,Atty. Vicenter Salumbides Jr., dating Konsehal Timoteo Valencia III at dating Municipal Planning and Development Officer Hernan Jason. Mayroon ding mula sa akademya at Local Government Unit.

Share this: