Marso 29, 2022 – Binisita ni Mayor Carlo Eleazar ngayong umaga si Nanay Consolacion Enovejas ng Barangay Sta.Cecilia upang igawad ang Pagkilala bilang kauna-unahang Centenarian ng Bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Ayon kay MSWDO Mrs. Eden Penolio, nasa 101 taong gulang na si Nanay Consolacion na pinagkalooban din ng halagang Php 20,000.00 ng pamahalaang bayan sang-ayon sa Republic Act 10868. Nagkaloob rin ang kaparehong pagkilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Share this: