Sa pagtutulungan ng LGU Tagkawayan at DTI-Negosyo Center Tagkawayan, ay isianagawa ang Seminar patungkol sa Taxation and Business Compliance, kung saan ang mga speakers ay nagmula sa BIR RDO 61 sa Gumaca, Quezon.

Ito ay naglalayon na makapagbahagi ng mas malalim na kaalaman sa pagbubuwis ang mga negosyante ng Tagkawayan. Upang mas marami ang mahatiran ng kaalaman, ito ay ipinalabas nang live sa teleradyo at facebook, upang makapakinig pa rin ang mga negosyanteng hindi makaka-attend nang personal dahil abala sa kanilang negosyo.

Sa kanyang mensahe kahapon ay binigyang-diin ni Mayor Carlo ang kanyang mandato na mas matulungan ng pamahalaang bayan ang mga negosyante sa pamamagitan ng mga serbisyo para sa kanilang patuloy na pag-unlad, at ang pag-unlad ng negosyo sa Tagkawayan, ay nangangahulugan din ng pag-unlad din ng bayan.

Ang schedule ng seminar patungkol sa Accounting, at iba pang business seminars na nakalinya nay iaannounce sa pamamagitan ng Teleradyo at FB pages ng BPLO, DTI Negosyo Center at LEDIPO.

Inaanyayahan ang mga interesado na dumalo sa Seminar on Digital Marketing na gaganapin sa June 15, 2022, sa dati pa ring venue – Tagkawayan Municipal Function Hall.

Share this: