Tagkawayan Weavers Association Monthly Meeting

Nagsagawa tayo ng pagpupulong ngayong araw kasama ang Tagkawayan Weavers Association, sa pangunguna ni Gng Ma. Sarina Añonuevo (PESO Manager-Tagkawayan), G. Tj Pia (Livelihood Officer), at Gng. Rachel Eleazar (TK Weavers Adviser). Layun nito na masubaybayan ang nasabing samahan at alamin ang iba pang ideya at suhestiyon na makakatulong sa pagpapaunlad ng Tagkawayan Weavers Association.

Dagdag pa dito ang magandang balita na nalalapit ang pagkakaroon ng ilohan (gamit para mapalambot ang lalahin na pandan) sa limang barangay. Ito ay ang Bosigon, Tunton, Mansilay, Sto Tomas at Mapulot.

Share this: