TAGKAWAYAN WAGI NG 2MILLION PESOS, KAKATAWAN SA CALABARZON SA NATIONAL SEARCH FOR OUTSTANDING COASTAL MUNICIPALITY


Tagkawayan, Quezon—Inanunsyo ngayong hapon ng Bureau of Fisheries and Aquatics Resources o BFAR IV-A sa pamamagitan ni Dr. Sonia G. Olaivar-Elloso, Chief-FMRED na nasungkit ng Tagkawayan ang P2,000,000.00 na premyo bilang lone-entry at nakapasa sa lahat ng Criteria sa Search for Outstanding Coastal Municipality ( Malinis at Masaganang Karagatan:MMK) Regional Level.

Kakatawanin ng Tagkawayan ang CALABARZON sa National Level ng kompetisyon ngayong Nobyembre.

Pinuri ng BFAR ang mga inisyatiba ng Liderato ni Mayor Carlo Eleazar sa sektor Pangisdaan upang higit itong mapangalagaan at mapaunlad kabilang na ang tahasang pagpapatigil sa iligal na pamamaraan ng pangingisda at paglalaan ng pondo sa mga pangangalaga ng coastal communities.

Kompiyansa ang Regional Validation Team na higit na makikita ng National Validators ang ganda ng Tagkawayan at ang mga programa nito sa pangisdaan sa gagawing on-field validation.

Malaking bahagi ng pagiging “qualified” ng ating munisipalidad ay ang pagsugpo sa illegal fishing activities sa ating coastal waters, programa sa Mangrove Reforestation at pagpapatupad ng Solid Waste Management Act.

Share this: