Lucena, City—Tinanggap ngayong umaga ni Mayor Carlo Eleazar at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan, Quezon ang Plaque of Award (1st Place) para sa Search for Outstanding Coastal Municipality sa CALABARZON Region.

Ipinagkaloob ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region IV-A sa Quezon Provincial Office dito sa lungsod ng Lucena sa pamamagitan nina Regional Director Sammy Malvas at OIC-PFO, Quezon Allan U. Castillo, na kinatawan ni MMK Coordinator G. Cyrus T. Saraza.

Maliban sa plake, wagi rin ng Php. 2,000,000.00 na halaga ng proyekto ang Tagkawayan para sa sektor ng Pangisdaan at lalahok sa National Level ng nasabing Kompetisyon.

Share this: