Nagsagawa tayo ng unang deliberasyon para sa pagpaplano sa sektor ng kabataan. Inalam natin ang mga bagay na sa tingin natin ay mailalabas ng ating mga kabataan ang kani-kanilang angking galing pagdating sa ibat-ibang larangan.

Kasama sina G. Aries Anihay (Local Youth Development Officer) at Technical Working Group, nagkaroon ng palitan ng mga ideya at suhestyon para sa proyekto at program na alinsunod sa boses at pangangailangan ng ating kabataan.

Umaasa at naniniwala tayo na sa pamamagitan ng kabataan at pagpaplanong ito ay magkakaroon tayo ng tamang daan at magandang hinaharap para sa ating bayan.

Share this: