TAGKAWAYAN,CULTURAL MAPPING PROJECT, COMMUNITY VALIDATION

March 10 2022 | Matagumpay at maayos na naisagawa ng local cultural mapping team sa pangunguna ni G. Shojie R. Sasahara (Local Lead Mapper) ang ikalimang bahagi ng Cultural Mapping Project, Community Validation, sa tulong ng ating Local Tourism Officer designate, Gng. Anna Louela Villanueva na dinaluhan ng ilan sa kilalang retiradong namuno at naging bahagi ng kasaysayan ng ating bayan na sina dating Punong Bayan, Atty. Vicente Salumbides Jr., dating Konsehal Timoteo Valencia III at dating Municipal Planning and Development Officer Hernan D. Jason at ilang nagmula sa ating kilalang paaralan at Local Government Unit bilang Internal Validators.

Masaya namang ibinahagi nina Prof. Eufracio Abaya (PhD in Anthropology, professor at the Department of Art Studies, College of Arts and Letters, UP Diliman), Architect Alnie Khayzer Hayudini (resident architect at NCCA, lecturer at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila), Ms. Maria Cristina Decal (heritage advocate, Sariaya Local Historian, Founder of Kulinarya Tagala) at Mr. Joselito Barros (CENRO-Calauag, Quezon) ang kanilang opinyon at komento sa mga cultural heritage at cultural assets na ibinahagi ng ating local lead mappers.

Ang proyektong ito ay naglalayong maidokumento ang ating kasasayan, kultura at sining hindi lamang para sa ikagaganda at ikauunlad ng turismo kundi para mapanatili at mapangalagaan ang mga likas na pamamaraan at pamumuhay na mayroon sa ating bayan na magiging gabay sa kinabukasan.

Share this: