ULATsaBayan: “Inilunsad po natin ang 24/7 Action Center, sa ilalim ng pamamahala ng MDRRMO ,kaya’t ang atin pong mga kababayan na may biglaang pangangailangan ay laging may matatakbuhan anumang oras at anumang araw.

Sa loob ng dalawat kalahating taon ay nakapagserbisyo tayo sa 2,882 ng ating mga kababayan sa paghahatid sa ospital, pagresponde sa mga aksidente, pagbili ng gamot sa kasagsagan ng lockdown hanggang sa kasalukuyan, maging sa paghahatid at pagsundo sa mga pasyenteng nagpapachek up.

Nakapagdagdag po tayo ng tatlong (3) Emergency Transport Vehicles, isang ambulansya mula sa DOH sa paamamagitan ng Cong Helen Tan at, mainit init pa, kahapon ay dumating ang isa pang nating bagong ambulansya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office”.

MAYOR CARLO ELEAZAR
Ika 6 ng Pebrero 2022

Share this: