Inilapit natin ang National Food Authority (NFA) sa ating bayan para sa pakinabangan ng ating mga magsasaka ng palay, sa tulong ng ating Konsehal Rayman Salvo.

Inilapit natin ang National Food Authority (NFA) sa ating bayan para sa pakinabangan ng ating mga magsasaka ng palay, sa tulong ng ating Konsehal Rayman Salvo.
Binisita natin ang istado ng ating kasalukuyang proyekto sa Barangay Munting Parang na Multi-Purpose Evacuation Center na nagkakahalagang 50 M piso mula sa PAGCOR, na bahagi ng ating Tagkawayan Resiliency Complex para sa ating pagiging handa sa kahit ano man kalamidad o sakuna na darating sa ating bayan at katabi nito ang sinisimulan ng 30 M piso na kongkretong kalsada na nagmula kay Sen. Tito Sotto. Ang kalsadang ito ay may habang dalawang kilometro patungo sa ating Municipal Controlled Dumpsite.