Business One-Stop Shop, Umarangkada Na!

Sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office kasama ang ilang ahensya at tanggapan. Maagang pumila ang ating mga kababayang kukuha at magre-renew ng kanilang Business Permits ngayon, sa unang araw ng B.O.S.S.

Mabilis at maayos na proseso para sa epektibong kapakinabangan ng ating mga negosyante.

MALIWANAG NA MGA LANSANGAN

Sinabi ni Mayor Carlo Eleazar na malapit nang matapos ang pagkakabit ng mga Solar Powered Street Lights sa mga pangunahing lansangan ng Metro Poblacion dito sa Tagkawayan, Quezon. Maging aniya ang ilang mga sulok na daanan ay lalagyan rin ng kaparehong proyekto.

2-DAY TOURISM AWARENESS SEMINAR AND ORIENTATION ON DOT ACCREDITATION (Batch 1)

Matagumpay na nairaos kahapon, Marso 31, 2022 ang 2-Day Tourism Awareness Seminar and Orientation on DOT Accreditation (Batch 1)na dinaluhan ng iba’t ibang tourism stakeholders sa ating bayan partikular ang mga accommodation establishment owners/managers, tourism enterprises, punong barangay at barangay kagawad ng Metro Barangays at mga barangay na mayroon tukoy na tourist destinations sa ating bayan.

HIYAS Philippines – Open Auditions

Higit ang aming pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta sa amin lalo’t higit ng kami ay nagsisimula pa lamang. Sa mga karangalang aming natanggap mula sa pagiging kampeon sa nakaraang Hatawan sa Tagkawayan 2022 hanggang sa aming pakikilahok sa 2021 Pinoy K-pop Star.

Kasalang Bayan 2022

Matagumpay na naisagawa ang KASALANG BAYAN 2022 kasama ang 79 na pares na ikinasal ni Mayor Carlo Eleazar. Ang libreng programa ay handog ng Pamahalaang Bayan sa pagtutuwang ng Office of the Mayor, MSWD at Office of the Civil Registrar.