BIOMASS POWER PLANT, POSIBLE NANG SIMULAN SA 2023

Lumabas sa katatapos lang na pulong ng Municipal Renewable Energy Council na pinamumunuan ni Mayor Carlo Eleazar, Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Danny Liwanag at Quezon Energy Farms Incorporated na posible nang masimulan ang proyektong naglalayong makapagtayo ng kauna-unahang Biomass (green energy) power plant sa Tagkawayan. Una ito sa walong (8) planta na nakatakdang itayo ng grupo sa Quezon.

RENEWABLE ENERGY POWER PLANT SA TAGKAWAYAN

Bumisita ang grupo ng Quezon Energy Farms Inc at Tagkawayan Renewable Power Corporation sa ilang bahagi ng SANMANDELCAR area sa Tagkawayan, Quezon. Layunin ng grupo sa pangunguna ni Mr. Frank A. Shotkoski na inspeksyonin ang mga lugar na maaarin pagtaniman ng Napier Grass na kalaunan ay gagamitin sa pagprodyus ng kuryente gamit ang biomass gasification facility at iaangkla sa grid ng local power distribution utility.