KAWAY FESTIVAL 2023 – Calendar of Events

KAWAY FESTIVAL 2023 – Calendar of Events
Muli nating saksihan ang Grand Finalists ng…
TAGKAWAYAN SINGING IDOL TUNIGLAW: THE CONCERT
sa darating na FEBRUARY 6, 2023, 7PM sa Municipal Covered Court.
MAKI-JOIN NA MGA KA-PADYAK!
Calling All Dance Crews Out There !!!
Pagpupulong kasama ang local school board para bigyang pansin ang pangunahing pangangailangan ng mga bawat paaralan sa ating bayan. Isa na dito ang usapin para sa mga magaaral na nangangailangan ng special education.
Nagsimula na ang operasyon ng BDO Network Bank sa Tagkawayan, Quezon. Dinaluhan ni Mayor Carlo Eleazar ang blessing ng establisiyemento ngayong umaga.
Bumisita sa atin ngayong araw ang BDO Network Bank sa pangunguna nina Gng. Maria Teresita C. Mendoza (Area Head CARILAQUE), Gng. Anelyn C. Atilano (Branch Head) G. Michael Robin R. Panganiban (Service Officer) at Bb. Ayka C. Aldave (Marketing Assistant). Patungkol sa kanilang nalalapit na pagbubukas, isinalaysay ni Gng. Mendoza ang mga bagay na pwedeng maihandog na serbisyo ng BDO-NB sa mamamayan ng Tagkawayan.
Kasama ang KBYN, Kaagapay ng Bayan Production Staffs, binisita natin ang tatlong magkakapatid na may karamdaman sa paglalakad sa Sitio Katakian, Barangay ng Mapulot.
Nagsagawa tayo ng unang deliberasyon para sa pagpaplano sa sektor ng kabataan. Inalam natin ang mga bagay na sa tingin natin ay mailalabas ng ating mga kabataan ang kani-kanilang angking galing pagdating sa ibat-ibang larangan.
Lumabas sa katatapos lang na pulong ng Municipal Renewable Energy Council na pinamumunuan ni Mayor Carlo Eleazar, Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Danny Liwanag at Quezon Energy Farms Incorporated na posible nang masimulan ang proyektong naglalayong makapagtayo ng kauna-unahang Biomass (green energy) power plant sa Tagkawayan. Una ito sa walong (8) planta na nakatakdang itayo ng grupo sa Quezon.
Ginawadan ng Sertipiko ng Pagkilala ang ating Tagkawayan Fire Station bilang Best Fire Station of the Year mula sa BFP Regional Office at Medalya ng Papuri kila SFO1 Aladdin F. Espejo, SFO1 Meshele C. Valdez, SFO1 Roderick T. Odi, FO3 Romeo A. Villafuerte Jr, FO1 Frandz Gabriel R. Rojo at FO1 Erick G. Verba.
October 25, 2021 | Nagsagawa ng paunang pagpupulong ang Kaway Municipal Tourism Council sa pangunuguna ni Gng. Anna Villanueva (Local Tourism Officer Designate), para sa agarang paghahanda at pagsasaayos ng mga aktibidades para sa nalalapit na VIRTUAL KAWAY FESTIVAL 2022.