Client Satisfaction Measurement (CSM) Survey

Please help us serve you better at LGU Tagkawayan. Pakisuyo po na pakisagutan ang survey upang aming mapag-aralan ang naging serbisyo namin sa inyo nang taong 2022. Salamat po! https://forms.gle/uYDXREeRy1GmpyZB8 This Client Satisfaction Measurement (CSM) tracks the customer experience of government offices. Your feedback on your recently concluded transaction will help this office provide a continue reading : Client Satisfaction Measurement (CSM) Survey

Business One-Stop Shop, Umarangkada Na!

Sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office kasama ang ilang ahensya at tanggapan. Maagang pumila ang ating mga kababayang kukuha at magre-renew ng kanilang Business Permits ngayon, sa unang araw ng B.O.S.S.

Mabilis at maayos na proseso para sa epektibong kapakinabangan ng ating mga negosyante.

KABUHAYAN SA ABACA!

Nobyembre 17, 2022– Isinagawa ang Abaca Stakeholders Forum sa pangangasiwa ng PhilFIDA Quezon sa pangunguna ni In-charge Inspector/ FDO l, Mr. Ronan Arpia katuwang ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar at Municipal Agriculturist Office sa pamumuno ni Mr. Juanito S. Panganiban.

Local Health Board Meeting

LOCAL HEALTH BOARD MEETING ISINAGAWA

TAGKAWAYAN, QUEZON–Nagsagawa ng pakikipagpulong ang iba’t-ibang stakeholders sa sektor ng kalusugan sa bayan ng Tagkawayan, Quezon ngayong araw, July 26, 2022 sa pangunguna ni Engr. Rico De Leon, Development Management Officer mula sa Department of Health IV-A.

BDO Tagkawayan – Opening Soon

Bumisita sa atin ngayong araw ang BDO Network Bank sa pangunguna nina Gng. Maria Teresita C. Mendoza (Area Head CARILAQUE), Gng. Anelyn C. Atilano (Branch Head) G. Michael Robin R. Panganiban (Service Officer) at Bb. Ayka C. Aldave (Marketing Assistant). Patungkol sa kanilang nalalapit na pagbubukas, isinalaysay ni Gng. Mendoza ang mga bagay na pwedeng maihandog na serbisyo ng BDO-NB sa mamamayan ng Tagkawayan.

Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk program

Ang Fuel Discount for Farmers and Fisherfolks Program ay nakasaad sa Special Provision No. 20 ng GAA FY 2022. Ang Programa ay naglalayon na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng makinarya sa pagsasaka at
pangingisda at lubhang naapektuhan ng pagtaas ng presyo g produktong petrolyo.