Pagkilala sa mga miyembro ng Cultural Mapping Committee isinagawa

Kinilala ng Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag ang mga miyembro ng Cultural Mapping Committee dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad na nagbigay-daan upang mai-mapa at maidokumento ang nasa 51 Items na Cultural at Natural Heritages ng bayan ng Tagkawayan na inaasahang mapapasama sa Volume I ng Cultural Profile ng Tagkawayan sa tulong ng National National Commission for Culture and the Arts.