Tagkawayan, Quezon | June 14, 2021 — Nagsimula ngayong Lunes ang pagpasok ng mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) sa kani-kanilang magiging pansamantalang trabaho sa loob ng 20 araw. Itinalaga sila sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga barangay.

Ang LGU Tagkawayan ay mayroong kabuuang bilang na 200 na mga benepisyaryo sa ilalim ng programa, na hinati sa dalawang batch. Ang naunang batch ay binubuo ng 130 na mga estudyante. Apatnapu’t lima sa mga ito ay kasalukuyan nang naka-deploy sa iba’t ibang opisina.

Ang SPES ay programa ng Department of Labor and Employment, sa pamamagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan. Pinangunahan ni DOLE LEO Genecille Aguirre ang orientation sa mga estudyanteng benepisyaryo ng programa noong June 8, 2021 via Zoom, at Mayor Carlo Eleazar at HRMO Ma. Sarina Añonuevo ngayong araw, June 14, 2021, sa Municipal Function Hall.

Share this: