TINGNAN | Sinimulan nang itayo ang mga bagong Solar Powered Street Lights para sa buong Metro Poblacion Barangays.

Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng liderato nina Mayor Carlo Eleazar at Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Danny Liwanag. Ayon sa tanggapan ni Engr. Francis Villanueva nagkakahalaga ng higit P4,500,000.00 ang nasabing proyekto.

Dagdag dito, may kapareho ding proyekto sa mga “secondary roads” ng metro poblacion na may halagang P1.2M.

Share this: