Nagsimula na ang mga proyekto para sa Barangay Sabang noong nakaraan taon dahil sa itinayong dalawang Water system para sa mamayan ng nasabing barangay.

Dagdag pa ngayong taon dito ang nakalaang pondo ng ating lokal na pamahlaan. Ang proyektong 1.5M piso para sa Road Concreting ng Critical Portion ng barangay at ang ipinanukala sa kongreso ng ating CONGW. DRA. HELEN TAN na Legislative Hatchery galing sa BFAR na nagkakahalaga ng 35M piso na itatayo sa dulo ng awasan.

Ito ay isa din sa mga paunang programa para sa pagsisimula ng SABUKIDAGAT sa pamamagitan ng ating MAYOR CARLO ELEAZAR.

Share this: