Enero 13, 2022 | Bumisita ang grupo ng Quezon Energy Farms Inc at Tagkawayan Renewable Power Corporation sa ilang bahagi ng SANMANDELCAR area sa Tagkawayan, Quezon. Layunin ng grupo sa pangunguna ni Mr. Frank A. Shotkoski na inspeksyonin ang mga lugar na maaarin pagtaniman ng Napier Grass na kalaunan ay gagamitin sa pagprodyus ng kuryente gamit ang biomass gasification facility at iaangkla sa grid ng local power distribution utility.

Matatandaang Pebrero noong taong 2020 na makipagpulong kay Mayor Carlo Eleazar at pamunuan ng QUEZELCO I ang SEC-registered green energy corporation upang balangkasin ang nasabing plano na sa ngayon ay nakatakda nang isakatuparan.

Sa isang pahayag, sinabi ni EA Glen Tolentino ng Office of the Mayor na ikinagagalak ng Punong Bayan ang nasabing development sapagka’t maliban sa dagdag na suplay ng kuryente sa lokal, nakikitang magbibigay ito ng trabaho sapagkat aabot sa 4,000 ektarya ng nakatiwangwang na lupa ang gagawing pataniman ng napier grass na siyang gagamitin sa planta ng “renewable energy” facility.

Dagdag pa ng opsiyal isa sa mga pangarap ni Mayor Eleazar sa Tagkawayan na maging renewable energy hub ang bayan ng Tagkawayan, Quezon kung kaya’t 2020 nang simulan ng alkalde ang pakikipag-ugnayan sa nasabing grupo.

( Mga larawan ng pagbisita sa mga barangay at konsepto/akwtuwal ng biomass power plant sa Maguindanao)

Share this: