Marso 21, 2022 | Pinangunahan ni Kgg. Mayor Carlo Eleazar ang Turn-Over Ceremony ng proyektong Construction of River Protection sa Sitio Gulf View ng Barangay Poblacion, Tagkawayan, Quezon.

Nagkakahalaga ng higit 2.6 Million Pesos ang proyekto na Collaborative Efforts ng Komunidad, Pamahalaang Bayan at KALAHI CIDSS-NCDDP. Layunin nitong proteksyonan ang mga kabahayan na nasa gilid ng Ilog San Jose laban sa pagguho ng lupa lalo na sa panahon ng tag-ulan at baha.

Kasamang dumalo ng alkalde si MDRRM Officer Bayani Garcia at KALAHI Staff sa pangunguna ni MAC BJ Rufo. Kinilala ni Mayor Eleazar ang mahalagang ambag ng mga community volunteers sa pagsasakatuparan ng mga programa ng pamahalaan.

Malugod ang pagtanggap ng komunidad sa proyekto kasama na ang Gulfview Neighborhood Association na siyang napiling mangalaga sa nasabing proyekto.

Labis din ang pasasalamat ni Kapitan Eduardo Domogma na nagpasalamat sa KALAHI at kay Mayor Eleazar na nabigyan ng pondo ang nasabing proyekto na matagal na aniyang minimitihi para sa nasabing bahagi ng barangay. Mayroon pa aniyang inaasahang second phase ang proyekto na may halagang higit isang (1) milyong piso.

/j.dorado,j.magsino,rsd

Share this: