Pinasinayahan ni Mayor Carlo Eleazar ang higit kalahating milyong pisong halaga ng Seawall project sa Barangay Sabang Marso 17, 2022. Bahagi ito ng mga proyekto sa ilalim ng KALAHI CIDSS. Naglalayon ang proyekto na proteksyonan ang komunidad sa Sitio Awasan na nasa baybaying dagat.

Bahagi ng mensahe ng Alkalde ang pagbabalik-tanaw kung saan kaniyang sinabi na 2019 pa nang magtapos ang Cycle ng KALAHI CIDSS. Subalit patuloy itong niyakap ng Pamahalaang Bayan sa kaniyang pag-upo, dahil dito maging ang mga proyekto na galing sa sariling pondo ng munisipyo ay ginamitan ng proseso ng KALAHI. Sa pamamagitan nito, binigyang diin ni Mayor Carlo na nakasisiguro na ang mga proyekto ay may partisipasyon ang komunidad, may transparency at walang bahid ng pananamantala.

Dahil sa masigasig na Institutionalisation ng KALAHI, isa ang Tagkawayan sa mga nakasama sa panibagong cycle ng programa hanggang sa ngayon.

Malugod namang tinanggap ng mga mamamayan ng Barangay Sabang ang proyekto sa pangunguna ni Kapitana Belinda Branagan.

Proud po akong sabihin na kahit po hindi po ako kasama ni Mayor..[Mayor Eleazar] noong eleksyon, wala pong proyekto na inilapit ko sa kaniya na hindi ibinigay – Kapitana Belinda Branagan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang ilan pang pagawaing kalsada sa Barangay Sabang.

/jazvinmagsino
/rsd

Share this: