Binigyang diin ni Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar ngayong araw, Abril 7, 2022 ang planong palawigin ang programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng paghahabi at paggawa ng iba pang handicraft maging sa mga barangay sa Metro Poblacion.

Dahil aniya ito sa lalong pagsigla ng nasabing sektor na tinutulungan ng Soroptimist International, Pamahalaang Bayan at Balikatan Program.

Ayon sa alkalde, dahil sa pagpapataas ng kalidad ng mga produktong Tagkawayanin mas napalawak pa ang merkado na regular na kumukuha ng suplay ng mga ito.

Kabilang aniya dito ang higit 1000 native bags na ipadadala sa iba’t-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng Soroptimist International. Isang Janitorial Services din ng isang sikat na mall ang regular nang umoorder ng walis tambo at tingting sa ng ating Weavers Association.

Bahagi ito ayon kay Mayor Eleazar ng layunin na mas madaming kababayan lalo na ang mga kababaihan na magkaroon ng dagdag kabuhayan. Kaya naman dapat aniyang mas pagibayuhin pa ang mga isinasagawang pagsasanay sa nasabing sektor.

Share this: