TINGNAN | Sa tulong ng iba’t-ibang stakeholders sa pangunguna ng Tagkawayan Municipal Police Station at Sangguniang Kabataan, isang programa kontra Droga at Terorismo ang isinagawa para sa Barangay Mapulot at iba pang kalapit na komunidad ngayong araw, May 22, 2022.

Kabilang sa programa ang pamamahagi ng tulong sa komunidad ng mga kapatid nating katutubo kasama na ang isang alagaing kalabaw.

Nagdaos rin ng iba’t-ibang palaro tulad ng basketball, volleyball at art contest para sa mga kabataan katuwang ang mga kapulisan.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina PMAJ Marcelito Platino, Hepe ng Tagkawayan MPS, PLt Ian Tugad, Vice Mayor Danny Liwanag, Kap. Rogelio Esmas, PPSK Presidente Ace Jordan Liwanag at Mapulot SK Chairman SK Jay Alfred Cid.

Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar at mga katuwang para sa mga kahalintulad na programa na naglalayong palakasin pa ang mga komunidad para mailayo sa banta na dulot ng iligal na droga at terorismo.

cc Tagkawayan Mps Qppo
/Jolo Dorado,Jazvin Magsino

Share this: