June 3, 2022—Pinangunahan ni Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar ang programa sa distribusyon ng libreng binhing palay sa Barangay Tabason at Barangay Casispalan.

Bahagi ito ng alokasyon mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF sa pamamagitan ng PhilRice.

Maliban sa pananamin, nagpa raffle naman ang LGU kung saan abono ang ipamamahagi sa mga magsasakang miyembro ng RSBSA at Samahang pansakahan sa kanilang barangay.

Kasama ng alkalde sa programa ang mga kinatawan ng PhilRice Los Baños sa pangunguna ni Ms. Jacqueline Canilao-Project Development Officer III at si Municipal Agricultural Officer Juanito Panganiban.

Nagsagawa rin ng video shoot ang Philrice sa Tagkawayan bilang isa ang bayan sa mga BEST LGU sa pagpapatupad ng RCEF Programs.

Share this: