Iniulat ng PNP Maritime Group 3rd SOU ang patuloy nilang pagbabantay sa karagatan ng Ragay Gulf, dahil dito naaktuhan ng kanilang mga operatiba ang dalawang (2) bangka na gumagamit ng iligal na paraan ng pangingisda.

Ayon kay PCPT Bernardo Del Mundo Jr., bunsod ito ng operasyon nitong Marso 29, 2022 sa karagatang sakop ng Ragay, Camarines Sur. Kasong paglabag sa Section 93 (Use of Fine Mesh Net) at Section 115 ( Obstruction of Fishery Law Enforcement Officer) ng RA 10654 ang kakaharapin ng dalawang grupo ayon pa kay PCPT Bernardo.

Share this: