Ibinalita ng ating MAYOR CARLO ELEAZAR at ng ating VICE MAYOR DANNY LIWANAG ang mga proyekto at programa na nakatakdang isagawa ngayong taon at sa mga susunod pang taon sa pakikipagbalikaTAN sa ating CONGW. DRA. HELEN TAN sa Barangay Assembly ng Barangay Payapa.

Binaggit ng ating MAYOR CARLO ELEAZAR ang mga pagawaing pangkaunlaran ng nasabing barangay na pinondohan ng ating lokal na pamahalaan. Isa na dito ang panimula sa itatayong Covered Court ng barangay na nagkakahalagang kalahating milyong piso na ipagpapatuloy naman at tataposin ng ating CONGW. DRA HELEN TAN, ang nakalaang 2M piso para sa Road Concreting ngayong taon na iminungkahi naman ni Kapitan Pepito Abrenica na mailagay sa Sitio Silangan ng naturang barangay.

Samantala isa pang kahilingan ng sangguniang barangay ay ang mapinturahan ang kanilang Barangay Hall ngunit nagmungkahi ang ating MAYOR CARLO ELEAZAR na maglalaan ng 2Milyong piso sa susunod na taon para sa panibagong Barangay Hall ng nasabing barangay.

PANG MATAGALANG PROYEKTO AT MASUSING PAGPAPLANO ANG ISA SA MGA LAYUNING MAIHATID NA SERBISYO NG ATING MAYOR CARLO ELEAZAR KASAMA ANG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN.

#OksaTK
#CommunityEmpowerment
#STAN

Share this: