“Tuloy po ang ating serbisyo sa pagbabakuna para sa linggo pong ito. Sa mga nais pong magpabakuna ng kanilang 1st dose, narito po ang available na bakuna:

  • Jansen para sa mga 18 anyos pataas.
  • Pfizer para sa mga 5 – 17 anyos na gulang.

Tuloy pa rin po ang pagbabakuna ang pagbibigay ng 2nd dose para sa mga naka-schedule para dito, ngunit amin pong ikinalulungkot na WALA pa pong available na AstraZeneca para sa mga tatanggap nito.

Narito po ang schedule ng ating bakunahan para sa linggong ito:

  • Miyerkules – Mountain at Highway Zone
  • Huwebes – Railroad at SanManDe|Car
  • Friday – Metro Zone

Inaasahan pa rin po ang lahat na pumunta sa araw kung kailan naka-schedule ang kanilang mga zone.

Muli po pinapaalalahanan ang patuloy na pag-iingat at pagsunod sa minimum health and safety protocol para sa kapakanan ng karamihan”.

Mula kay:

DR. MALCOLM REMO
Municipal Health Officer
Tagkawayan, Quezon

Share this: