Marso 8, 2022—Local Government Unit of Tagkawayan, hinirang bilang Model LGU Implementing KALAHI-CIDSS-Disaster Response Operation Procedure para sa taong 2021 ng Department of Social Welfare and Development Field Office IV-A.

Ngayong hapon ng Miyerkules, tinanggap ni Mayor Carlo Eleazar ang nabanggit na karangalan sa isinagawang Virtual Awarding Ceremony.

Ayon sa mensahe ng pagtanggap na ipinadala ng alkalde, sinabi nitong ikinararangal ng kaniyang liderato, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at maging ng mga KALAHI Volunteers, Barangay Officials at lahat ng stakeholders na maging kabahagi ng pagkilalang ito.

“Salamat sa KALAHI CIDSS, ang programang may integridad at naabot ang mga dulong pamayanan. Isang tagumpay sa amin ang sampung taong pakikipag-kaisa sa inyo para sa kaunlaran ng aming bayan. Asahan ninyong bilang Mayor ng bayang ito, ang prinsipyong participatory, transparency at accountability ay atuloy-tuloy na mainstitutionalized bilang matibay na sandigan ng aking panunungkulan”.—Pahayag ni Mayor Eleazar.

Share this: