Matapos ang nakaraang May 2022 elections, ibabalik na ang pagpaparehistro ng mga botante sa Hunyo o Hulyo, ayon sa anunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na magsisimula ang pagpaparehistro anim na buwan bago ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls sa huling bahagi ng taong ito.

“By June or July, we will already resume the registration of voters,” ani Garcia sa isang press conference.

“Sa mga hindi pa naging rehistradong botante, abangan ang pagpapatuloy ng voter registration sa Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo,” dagdag pa niya.

Ang rehistrasyon ng botante ay hindi lamang para sa mga regular na botante o mga 18 taong gulang pataas, kundi pati na rin sa mga boboto sa SK polls.

Dagdag pa ni Garcia, ang pagpaparehistro ay simula na rin ng kanilang paghahanda para sa barangay at SK elections sa Disyembre.

Source: https://tinyurl.com/2p89jsy9

Share this: