Pinulong ni Mayor Carlo Eleazar ang grupo ng mga mangingisda nitong Huwebes, Marso 17, 2022. Dito inilatag ng alkalde ang sitwasyon ng pangisdaan sa Tagkawayan at mga kalapit -bayan at dito ay sinugurong hindi pababayaan ang nasabing sektor at patuloy ang pinaigting na programa kontra iligal na pangingisda.

Nagpahayag naman ang grupo ng kasiyahan at kahandaang makipag-kaisa dahil sa anila’y magandang resulta at benispisyo ng programa sa pangisdaan.

Share this: