PAGPUPULONG!

Nagpatawag ng unang pagpupulong ang ating Punongbayan CARLO ELEAZAR kasama ang ating mga kapitan upang talakayin ang usapin patungkol sa banta ng AFRICAN SWINE FEVER (ASF) sa ating bayan sa pangunguna ni ginoong JUANITO PANGANIBAN ng OFFICE OF THE MUNICIPAL AGRICULTURIST.

Sa ngayon ang Bayan ng Tagkawayan ay wala pang kompirmadong kaso ng ASF or African Swine Fever. Ang hinihintay na lamang ay ang resulta ng Blood Sample na aabot ng tatlo hanggang pitong araw. Ayun sa ating Punongbayan CARLO ELEAZAR ang kailangan lang ay mapigilan muna na hindi ilabas sa bayan ng Tagkawayan ang baboy na nasa isang kilometrong Radius mula sa Slaughterhouse na malapit sa Munhi(TNHS).

Sa kabila nito ay puspusang pagsasagawang ibat ibang paraang ang ating Office of the Municipal Agriculturist upang malabanan ang banta ng ASF o AFRICAN SWINE FEVER.

Share this: