June 24, 2022, Araw ng Biyernes | Kasama ang KBYN, Kaagapay ng Bayan Production Staffs, binisita natin ang tatlong magkakapatid na may karamdaman sa paglalakad sa Sitio Katakian, Barangay ng Mapulot.

Ayon sa tanggapan ng MSWDO binisita natin ang magkakapatid noong buwan ng Mayo taong kasalukuyan at ginawan ng inisyal na pagaaral para sa mga tulong na pwede nating maiparating base sa kanilang kalagayan. Ngayong nakaraang Hunyo ay nakapagbigay tayo ng ilang grocery items at kasalukuyan ng inaayos ang mga pangunahing kinakailanagn sa pagpapatayo ng kanilang bago at mas matibay na tirahan na ilalapit sa bukana ng kalsada bilang bahagi na tulong ng ating lokal ng pamahalaan. Samantala dalawang biik naman ang pinagkaloob ng Department of Agriculture bilang panimulang hanap buhay sa magkakapatid.

Para sa mga nais pang magpaabot ng tulong maaring tumawag sa numerong 0950 995 0907 o magsadya sa Office of the Municipal Mayor at hanapin si Mr. Michael Glenn Tolentino #OKsaTK #CE2022

Share this: