Dumalo po tayo sa Regular na Pulong ng Sangguniang Bayan ngayong umaga na pinamumunuan ni Vice Mayor Danny Liwanag upang ibalita at idulog ang mga sumusunod:

  • Nakatakda nang i-download ang pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation upang masimulan nang gawin ang 50 Milyong Pisong halaga ng Multi-Purpose Evacuation Center na itatayo sa Barangay Munting Parang.
  • Mabigyan ng panahon na agarang pag-aralan ang reprogramming ng pondo upang makabili tayo ng Ultra Low Freezer at Generator Set na gagamitin natin sa pag-iimbak ng paparating na Western Vaccines. Layunin natin na maabot ang 1000 jabs per day sa mga susunod na buwan para tuloy-tuloy nating malabanan ang pandemyang COVID-19.
  • Nakatanggap po tayo ng balita na nalalapit na ang paglabas ng “No Objection Letter” kaugnay ng proyektong kalsada (Sta.Monica-Manato Station) na may halagang higit 163 Milyiong piso sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project.

Sinikap po natin sa ating pag-upo bilang Mayor, na muling buhayin ang proyektong ito, at matapos mag-back to zero sa mga hakbang nakikita natin na maisasakatuparan na ito..at para mangyari iyon, hiniling ko po sa ating SB na mabigyan tayo ng kapangyarihan na lumagda sa iba’t-ibang kasunduan kabilang na ang pagkakaroon ng credit line sa Land Bank of the Philippines upang makahiram tayo ng ating counterpart sa proyekto na magkakahalaga ng higit 16milyong piso.

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan dahil sa patuloy na pakikiisa sa ating mga proyekto para sa bayan. – mayorcarloeleazar page

Share this: