4.5 MILYONG HALAGA NG PROYEKTO PINASINAYAHAN NI MAYOR ELEAZAR NGAYONG ARAW

Enero 14, 2022 | Pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar ang pagpapasinaya sa 3 mga proyekto para sa mga magsasaka ngayong araw.

Kabilang dito ang Farm-to-Market Road (FMR)sa Barangay Bukal na nagkakahalaga ng P2,000,000.00, FMR ng Barangay Payapa na may halaga ring 2-Milyong piso at isang Solar Dryer with Palay Shed na may halagang P500,000.00.

Pawang nagpahayag ng pasasalamat sina Kapitan Celso Razon ng Brgy. Bukal at Kapitan Pepito Abrenica ng Brgy. Payapa sa nasabing mga proyekto na tiyak na papakinabangan ng mga kababayan nating magsasaka.

Ilan sa mga nakasama ni Mayor Eleazar sa programa sina SB Agriculture Chair Rayman Salvo at Municipal Agriculturist Juanito Panganiban.

Share this: