Marso 23, 2022–Sa pulong ng Expanded Municipal Development Council o EMDC ngayong araw, ibinalita ni Mayor Carlo Eleazar sa mga punong barangay at iba pang stakeholders na nakatakdang bumili ng Pamahalaang Bayan ng isang bagong sasakyan na kompleto sa lahat ng kagamitan sa pagresponde sa mga akisidente o sakuna.

Batay aniya sa isinagawang canvass, nasa higit 3 milyong piso ang halaga ng nasabing customized emergency vehicle. Sa pulong, inaprubahan ng nasabing konseho ang resolusyon o kapasiyahan na nag-augment ng pondong kakailangin para sa nasabing proyekto.

Share this: