Pagpupulong kasama ang local school board para bigyang pansin ang pangunahing pangangailangan ng mga bawat paaralan sa ating bayan. Isa na dito ang usapin para sa mga magaaral na nangangailangan ng special education. Iminungkahi ni Mayor Carlo Eleazar na magkaroon ng sapat na training ang mga guro at mga magulang, na may anak na nangangailangan ng special education para sa maayos na pakikipaguganayan at epektibong pagtuturo sa mga ito.

Tinalakay din natin ang mga paaralan na nangangailangan ng pagsasaayos ng mga pasilidad at karagdagang mga bangko para sa magaaral. Samantala nagpasalamat naman si G. Sander Sandro (President-MFPTA) kay Mayor Carlo Eleazar para sa agarang aksyon ng LGU hinggil sa mga pangangailangan ng Tagkawayan Central Elementary School. Pang huli ay pinirmahan ng Punongbayan ang Executive Order No. 18 : AN ORDER REORGANIZING AND RECONSTITUTING THE MUNICIPAL SCHOOL BOARD (MSB).

Share this: