MOBILE HEALTH CLINIC: Serbisyong pangkalusugan hatid ng ating Senador RISA HONTIVEROS

Nasa 300 Taga-Tagkawayan ang naserbisyuhan ng libreng check-up at laboratory tests ganun din ng X-Ray, ECG AT Ultra sound.

Ito ay sa pamamagitan ng Healthy Pinas Mobile Clinic sa Tagkawayan Municipal Covered hatid ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros na personal ding bumisita sa ating bayan.

Ayon sa senadora,Tagkawayan ang unang bayan sa Quezon na una nilang dinalaw para sa Mobile Clinic.

Laking tuwa naman ng ating mga kababayan sa serbisyong ito dahil ngayong pandemya madaming mga kababayan natin ang takot magpunta ng ospital para magpasuri.

Nagmula ang mga nagpakonsulta sa iba’t-ibang barangay kung saan namahagi ng stub dahil sa limitadong bilang lamang ang maaaring i-accomodate ngayong araw.

Sa kaniya namang mensahe nagpasalamat si Mayor Carlo Eleazar kay Senator Hontiveros dahil sa malaking tulong aniya ito sa kaniyang mga kababayan.
Makukuha naman ng mga nagpa-check -up ang kanilang resulta matapos ang dalawang araw at maaaring kunin sa ating Rural Health Unit.

Share this: