Isang Pawikan (Green sea turtle) ang nailigtas kaninang umaga sa baybayin ng Tagkawayan, Quezon. Agad na tinugunan ng grupo ng Bantay Dagat, MENRO at PNP Maritime group ang ulat na isang pawikan ang hindi sinasadyang makulong sa isang baklad.

Agad na sinuri ng grupo ang pawikan at wala namang nakitang sugat dito. May haba itong 90cm at lapad na 64cm.

Nagtungo naman ang mga kawani ng CENRO Calauag na silang naglagay ng tag dito ng pagkakakilanlan bago muling pinakawalan sa malalim na bahagi ng dagat.

Batay sa ilang mga ulat, ang hanging habagat at malakas na alon ay ilan sa maaring sanhi ng pagkaka-padpad ng mga ito sa mababaw na bahagi ng dagat.

Panawagan sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling may kaparehong insidente.

Sa ilalim ng Wildlife Conservation and Protection Act of 2001, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli at pagkatay sa mga pawikan.

Share this: