Tagkawayan, Quezon | August 10, 2021 —Nagsagawa ng Memorandum of Agreement signing sa pagitan ng Local Government Unit at Bureau of Fire Protection Tagkawayan sa Municipal Function Hall.

Nilagdaan ng dalawang parties ang contract of usufruct na magbibigay pribilehiyo sa BFP na magamit ang pagmamay-aring lupa ng munisipyo na sakop ng Barangay Munting Parang.

Ang nasabing lupa ay may sukat na 1500 sqm. na inaasahan na pagtatayuan ng inaasam na Municipal Fire Station sa bayan ng Tagkawayan.

Bago ang isinagawang lagdaan, nagbahagi ng kanilang mensahe ang Punong Bayan Mayor Carlo Eleazar at ang acting Municipal Fire Marshal ng Tagkawayan F/Insp Roy Calinawan.

Gayundin ang mga panauhin na sina Provincial Fire Director F/Supt Rowena Gollod at Regional Fire Director F/Supt Roberto Genave, DSC na lumagda sa nasabing kontrata.

Samantala dumalo rin ang mga bombero sa ating bayan, ilang Fire Marshals ng ibang bayan, gayundin si PLt Julian Tuggad Jr. ng PNP, sina Sir Glenn Tolentino, MLGOO Sir Carl Cusi at members ng Sanguniang Bayan, Kons. Vicoy Salamat, Kons. Rayman Salvo at Kons. Choy Eleazar.

Share this: