TATLONG ARAW NA MDRRMC/MIAC TECHNICAL REVIEW INUMPISAHAN NGAYONG ARAW


Tagkawayan, Quezon—Inumpisahan ngayong araw Oct. 12, 2021 ang pagpi-presenta ng mga natukoy na proyekto ng unang cluster sa 41 Barangay na napondohan sa ilalim ng Kalahi CIDSS Additional Financing Phase I na nagkakahalagang 20M na may karagdagang 5M counterpart ng LGU.

Ang mga natukoy na proyekto na ipe-presenta ng mga Barangay ay sama-samang susuriin ng mga bumubuo ng Municipal Inter-Agency Committee (Department Heads) sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar kasama ang mga kinatawan ng Civil Society Organizations at ilang volunteers ng barangay.

Layunin nito na makapaglahad ang bawat barangay ng detalyadong panukalang proyekto batay sa natukoy nilang pangangailangan, at mapag-aralan ang disenyo, cost estimate , at iba pang mahahalagang dokumento na nakapaloob sa Request for Fund Release o RFR na i-eendorso sa Regional Project Management Office.

Inaasahan na maipatupad ang mga magiging proyektong ito bago matapos ang taon, at naniniwala naman ang Punong Bayan Mayor Elezar na maisasakatuparan ito.

Sapagkat aniya may kasanayan na ang mga Barangay sa pagpapadaloy ng mga proyekto ng Kalahi at palaging nakakatapos ng matiwasay at tama sa oras dahil sa pagtutulungan narin ng lokal na pamahalaan, Barangay LGU, mga volunteers, at gabay ng mga Kalahi Staff

Share this: