Pormal nang isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong McDonald’s Tagkawayan Branch ngayong umaga, December 10, 2021.
Pinangunahan ito ng mga Franchisee na sina Mr. Roberto De Vero at may-bahay niyang si Mrs. Marimel De Vero ganun din ng area Manager ng MCDO na si Mr. Val Valdez.
Naging panauhin sa aktibidad sina Congresswoman Helen Tan, Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag at iba pa.
Sa mensahe sinabi ni Enrgr. De Vero ikinagagalak ng kaniyang pamilya na maging kontribusyon sa Tagkawayan ang itatayong negosyo upang maging isang “landmark” ng bayan. Nagpasalamat din ito sa suporta nina Cong. Tan at Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Eleazar.
Share this: