Marso 23, 2022–Tinalakay sa pulong ng mga Kapitan na pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar ngayong araw ang ilang magagadang balita ukol sa papalapit na Piyesta sa Barangay.

Inihayag ng alkalde na sa kasalukuyang COVID-19 protocols ay pinapahintulutan nang makapag-sagawa ng liga ang mga barangay at maging ang ilang pasinayan sa fiesta tulad ng singing contest, beauty contest, maliban nalang sa mga “sayawan”. Subalit binigyan diin ni Mayor Eleazar na maaaring magbago pa ito depende sa mga bagomng abiso ng mga restrictions sa mga susunod na linggo.

Samantala sa mandato ni Mayor Eleazar ay tinalakay ni G. Reden De Villa, Presidente ng Association of Municipal Employees of Tagkawayan (AMULET) ang inihahandang MAYOR CARLO ELEAZAR’S SUMMER LEAGUE 2022 kung saan isang Inter-Barangay/Inter-Commercial Basketball Tournament ang idadaos sa Tagkawayan.

Sa inisyal na ulat, mayroon aniyang 2 divisions ang liga; open division kung saan maaaring kumuha ng “imports” ang mga koponan at ang Junior Division. Nais kasi ni Mayor Eleazar na magsilbing selection process na rin ang torneyo sakalaing magkaroon na ng palaro sa mga susunod na buwan ang DepEd.

Magiging katuwang sa pagbuo ng team ang Barangay Captains at ang mga interasadong Busiess Establishment ay bibigyan ng pagkakataong makibahagi sa pamamagitan ng sponsorship ng mga teams.

Kasama rin sa ipinahahanda ni Mayor Eleazar ayon kay De Villa ang palaro para sa Volleyball at Billiard Tournament.

Nakatakdang magsagawa ng Pulong ang Organizing Committee at mga Stakeholders ngayong linggo.

/j.buenaobra, j.magsino, s. rase

Share this: