JUST IN | Mayor Carlo Eleazar inanunsyo sa isang pulong ngayong hapon ang pagpa-plano para sa pagkakaroon ng SUMMER LEAGUE sa bayan ng Tagkawayan ngayong Summer 2022.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pagganda ng sitwasyon ng COVID-19 kung saan halos dalawang buwan nang walang kaso nito sa bayan ng Tagkawayan.

“Halos dalawang buwan na po tayong zero covid, at wag lang pong tataas ulit….pinagpaplanohan po nating magkaroon na ng liga”.—Mayor Carlo.

Kagabi, Marso 20, 2022 ay matagumpay na naidaos sa Freedom Plaza ang bahagi ng DES Governors’ Cup Inter-LGU Basketball Tournament.

Share this: