Local Health Board Meeting

TAGKAWAYAN, QUEZON–Nagsagawa ng pakikipagpulong ang iba’t-ibang stakeholders sa sektor ng kalusugan sa bayan ng Tagkawayan, Quezon ngayong araw, July 26, 2022 sa pangunguna ni Engr.Rico De Leon, Development Management Officer mula sa Department of Health IV-A.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang napipintong paggpapatupad ng Universal Health Care Law at Integration ng local health system ng pamalahaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan.

Tinalakay din ang Department of Health Devolution Transition Plan para sa 2022-2024 para sa pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan.
Nabatid rin sa pulong ang mga pagbabago sa sistema ng National Health Insurance Program sa pamamagitang ng Philhealth kung saan awtomatiko nang miyembro ang bawat Pilipino.

Nagbigay rin ng update kaugnay ng mga proyekto tulad ng Super Health Center at ilan pang Barangay Health Stations na itatayo sa Tagkawayan.

Pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar ang pagdalo sa pulong kasama ang mga kinatawan ng Rural Health Unit, Maria Eleazar General Hospital at iba pa.

Share this: