June 23, 2021–Isang 30 Million pesos worth na Legislated Multi-species marine hatchery ang bubuksan sa Barangay Sabang Tagkawayan Quezon.

Isinagawa ngayong umaga ang Ground Breaking at MOA Signing na dinaluhan ng primary author ng RA 10942 na si Quezon 4th District Representative Dra. Helen Tan, Mayor Carlo Eleazar, VM Danny Liwanag, Sangguniang Bayan members at mga pinuno ng Tanggapan ng LGU Tagkawayan.

Naging kinatawan naman ni RD Sammy Malvas ng BFAR IV-A si Quezon Provincial Fishery Officer G. Allan Castillo.

Masaya naman ang mga kinatawan ng sektor ng maliliit na mangingisda sa napipintong pagsisimula ng proyekto na tiyak na magdaragdag ng trabaho sa kanilang hanay.

Share this: