Binisita ni Mayor Carlo Eleazar ang nagpapatuloy na konstruksyon ng 30 Million pesos-worth na Legislated Multi-species Hatchery sa nasabing barangay. Bahagi ito ng Balikatan Program ni Congw. Helen Tan at BFAR at Pamahalaang Bayan.

Sa mga naunang panayam, sinabi ng alkalde, na kapag natapos at operational na malaking tulong sa dagdag kabuhayan ang proyekto kung saan maaaring makapag-prodyus ng mga similya ng isda na maaaring ipamahagi sa mga mamamayan ng libre.

Dahil sa proyekto, nabuksan narin ang kalsada sa dulong bahagi ng Barangay Sabang.

Share this: