KONSTRUKSIYON NG MGA BAGONG GUSALI NG GENERAL HOSPITAL SA TAGKAWAYAN PATULOY

Tagkawayan, Quezon— Masayang iniulat ni Cong. Doktora Helen Tan at DOH Regional Director Eduardo Janairo na nagpapatuloy ang multi-year implementation ng pag-upgrade sa Maria L. Eleazar General Hospital sa ating Bayan bilang isang level III health care facility na ngayon ay nasa pangangasiwa na ng DOH.

Ayon kay Cong. Tan, resulta ito ng pagbabalikatan ng Department of Health, kaniyang legislative office at Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan sa pangunguna nina Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag at Sangguniang Bayan.

Sa ngayon malapit nang matapos ang malaking gusali na may dalawang palapag na siyang pansamantalang paglilipatan ng operasyon ng ospital sa susunod na taon upang bigyang daan ang pagtatayo ng anim (6) na palapag na main building.

Kapag naisakatuparan na sa susunod na 3-5 taon ayon sa mga opisyal, magkakaroon na ng sapat na kagamitan at health care workers na magiging daan upang makamit ng mga residente dito ay kalapit bayan sa Quezon at Bicol ang mas maayos na serbisyo-medikal.

Mauuna namang magkaroon operating room ang MLEGH na makakapagsilbi sa mga kakailanganin ng operasyon.

Sa ngayon nasa labing-isa na ang mga doktor na naka-assign dito mula sa dating 3 doktor lamang.

Share this: