Isinagawa ang Abaca Stakeholders Forum sa pangangasiwa ng PhilFIDA Quezon sa pangunguna ni In-charge Inspector/ FDO l, Mr. Ronan Arpia katuwang ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar at Municipal Agriculturist Office sa pamumuno ni Mr. Juanito S. Panganiban.

Tinalakay sa nasabing forum ang malawakang kampanya ukol sa kung ano ang mga posibleng programa o aktibidad na makatutulong sa mga magsasaka ng abaka at sa asosasyon ng Tagkawayan Weavers.

Dinaluhan rin ito nina Mr. Ariel Manalac bilang kinatawan ni Governor Doktora Helen Tan, Provincial Agriculturist Dr. Anna Clarissa S. Mariano, Mr. Edel M. Dondonilla,OIC Regional Direktor PhilFIDA ,PhilFIDA Mr. Kennedy T. Costales, Executive Director , Mr. Norberto T. Solano Jr., FDO l Licensing Officer,Regulatory Unit Head Mr. Raynaldo Mangaccat, at mga miyembro ng Tagkawayan Weavers Association.

/Jane Ilagan | Jazvin Magsino-Teleradyo

Share this: