June 7, 2022—Pinangunahan nina Mayor Carlo Eleazar, Provincial Veterinarian na si Dr. Flomella Caguicla at DA APCO Representative Bb. Joy Tan ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong “Biosecured at Climate Controlled Piggery dito sa Barangay San Francisco.

Nagkakahalaga ang pasilidad ng Php.5,500,000.00 na pinondohan sa ilalim ng Department of Agriculture-National Livestock Program na Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE), sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang ng Tagkawayan.

Ang Samahan ng magbababoy ng San Francisco ang benepisyaryo ng proyekto.

Dumalo rin sa programa sina Municipal Agricultural Officer Juanito Panganiban, Kapitan Edmar Cantos at Gng. Leovina Cabanela, pangulo ng SMBSF.

Share this: