Insentibo

Minabuti natin na personal na iabot ang insentibong 3,000 piso mula sa pamahalaang national para sa ating mga Barangay Officials at SK Chairmen’s, na may kasamang OKsaTK foodpacks mula naman sa ating lokal na pamahaalan. Ginawa natin ito para mas mapadali at upang hindi na kailanganin pang pumunta ng ating mga kababayan dito sa metro partikular sa malalayong barangay.

Samantala, resulosyon na insurance ang ating inihain sa pagpupulong ng MPOC nitong nakaraang biyernes, para sa ating mga lupon, tanod at BHWs na inaprubahan na isasama sa savings ng Supplemental Budget ng nakaraang taon. Kalakip pa nito ang dagdag pondo para sa Philhealth Benefits ng mga lupon at BHWs at uniporme naman para sa BHERTS (Barangay Health Emergency Responce Team).

Ang mga bagay na ito ay para sa seguridad at kapakanan ng mga taong patuloy na lumalaban at naglalaan ng oras para sa pakikibaka sa nararanasan nating pandemya.

Share this: